Katanungan
ano ano ang mga salik o paktor na naging dahilan ng pagkasira ng ating kapaligiran?
Sagot
Isa sa pinakamatinding salik kung bakit nasisira ang kalikasan ay dahil sa mga gawaing tao.
Ang mga gawaing tao tulad ng illegal na pagsasanay ng kaingin, pagtatapon ng basura kung saan-saan, at marami pang iba ay iilan lamang sa mga kadahilanan kung bakit patuloy ang pagkawasak ng kapaligiran.
Sa mga gawaing tao rin umusbong ang mga malalaking gusali, kumpanya, at industriya. Ang mga ito ay ang mga pangunahing sanhi ng polusyon, mapa sa lupa, tubig, o hangin. Maging ang mga ginagamit ng tao tulad ng sasakyan aay siya ring puno’t-dulo ng polusyon. Kaya naman ang tao mismo ang salik sa sirang kalikasan.