Ano-ano ang mga salik sa pag usbong ng damdaming nasyonalismong Pilipino?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano-ano ang mga salik sa pag usbong ng damdaming nasyonalismong Pilipino? Ask lang po hehe

Sagot verified answer sagot

Ano-ano ang mga salik sa pag usbong ng damdaming nasyonalismong PilipinoIba-iba ang naging dahilan sa pag-usbong ng pagnanais ng mga Pilipinong makalaya at maipakita ang kanilang nasyonalismo. Una na rito ay ang pagbubukas ng kalakalan.

Ang pagbubukas ng Suez Canal ay naging bunsod upang mabuksan ang mata ng mga Pilipino sa liberasasyon o pagtanggap na ang lahat ng nararanasan nila ay maaaring magbago kung nanaisin lamang nila at gagawa sila ng paraan.


Dito rin lumitaw ang ikatlong uri ng antas ng tao sa lipunan na maituturing bilang nasa gitna o middle class. Sila ang nagpatunay na ang mga Pilipino ay kaya ring magkaroon ng isang maayos na antas sa pamayanan kahit hindi naman sila ganoon karangya.

At ang antas na ito ay may kakayahan din na ipaglaban ang kanilang karapatan at magkaroon ng boses kasama ng mga Pilipino patuloy na nahihirapan. Isa rin sa mga mahahalagang salik ay ang patuloy na pagmamalupit na nararamdaman ng mga Pilipino mula sa mga Kastila.

Lalong nagpaigting ng nasyonalismo ng mga mamamayang inaapi ang mga nararanasan nilang kalupitan mula sa mga mananakop. Dahil dito, nalaman nilang maaari silang kumilos laban sa mga dayuhan at muling makuha ang kalayaan at karapatan sa sariling bansa na matagal nang napasakamay ng mga walang pusong dayuhang Kastila.