Ano ano ang nakitang kababalaghan sa epiko?

Katanungan Sagot

Katanungan

ano ano ang nakitang kababalaghan sa epiko?

Sagot verified answer sagot

Sa epiko ni Gilgamesh, maraming kababalaghan ang nangyari. Isa na rito ang pagiging kalahating tao at kalahating diyos ni Gilgamesh mismo.

Siya ay mapang-api sa kanyang mga nasasakupan, mapa sa mga babae o lalaki. Dahil dito, nagpasiya ang ibang mga Diyos na magpadala ng makatatalo kay Gilgamesh.

Si Enkidu ay ang ipinadalang tao na napakabalbon at naninirahan kasama ang mga ligaw at mababangis na hayop. Naglaban ang dalawa at nanalo pa rin si Gilgamesh.

Naglakbay silang dalawa kung saan palaging nananaginip nang masama si Gilgamesh. May mga nakalaban silang ibang mga diyos at hari, ngunit sa taglay na kapangyarihan ni Gilgamesh ay lagi silang nananalo.