Katanungan
ano ano ang salik na nag uugnay sa makataong kilos?
Sagot
Ito ay kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan, at gawi. Ang mga salik na ito tulad ng kamangmangan ay makakaapekto kung hindi alam ng isang indibidwal ang magiging masamang resulta nito.
Sa masidhing damdamin naman ay pag masyado siya nagpadala sa kaniyang emosyon at siya ay lubusang nagalit kaya siya nakagawa ng masamang pagkilos sa kaniyang kapwa.
Sa takot naman, maaaring makapagdesisyon din ng bara-bara kaya pangit ang kalalabasan na resulta.
Sa karahasan, hindi na ito magkakaroon ng magandang resulta ang makataong kilos dahil gumagamit na ng dahas, at ang gawi naman ay ang paulit ulit na pagkilos na parang hindi iwinawasto ang sarili.