Ano-ano pa ang katangiang taglay ni Jupiter?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano-ano pa ang katangiang taglay ni Jupiter?

Sagot verified answer sagot

Ano-ano pa ang katangiang taglay ni JupiterSi Jupiter ay ang tinaguriang Diyos ng mga Diyos o hari ng mga Diyos. Siya rin ang kiniklalang diyos ng kalawakan at panahon.

Mahigpit na pinuno o hari si Jupiter dahil isa sa mga trabaho niya ay ang magparusa sa mga sinungaling at hindi marunong tumupad sa mga pangako at usapan.

Siya ay asawa ni Juno at kilala bilang tagadigma gamit ang kulog at kidlat. Sa katangiang pisikal naman, si Jupiter ay may mahabang balbas at mahabang buhok.

Kilala rin siya na laging kasama ng agila, leon, at ram sa kaniyang mga larawan at rebulto. Ipinangalan din sa kaniya ang pinakamalaking planeta sa solar system na Jupiter.