Ano ba ang ibig sabihin ng salitang maritime o insular?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

ano ba ang ibig sabihin ng salitang maritime o insular?

Sagot verified answer sagot

Ano ba ang ibig sabihin ng salitang maritime o insularAng ibig sabihin ng salitang insular o maritime ay tumutukoy sa mga katubigang nakapaligid sa isang bansa tulad ng Pilipinas.

Ayon naman sa UP Diksiyonaryong Filipino, ang salitang insular ay may kahulugang hinggil sa pulo. Sinasabi naman ng mga iskolar ng wika na ang salitang insular ay galing sa isang salitang Latin na “insularis” o “insula” na ang ibiga sabihin naman ay “isla.”

Ang salitang maritime naman ay mula sa mga salitang Latin na “mare” at “maritimus” na ang ibig sabihin ay “dagat.” Ang Pilipinas ay sinasabing isang bansang maritime o insular dahil naliligiran ito ng iba’t ibang anyong tubig at karagatan.