Ano ang ibig sabihin ng mortem?

Katanungan Sagot

Katanungan

ano ibig sabihin ng mortem?

Sagot verified answer sagot

Ano ang ibig sabihin ng mortemAng salitang mortem ay isang salitang Latin na ang ibig sabihin ay “death” o “kamatayan.” Ang salitang mortem ay madalas nating nababasa kasama ang salitang post, postmortem.

Ang postmortem ay isang terminong ginagamit upang gumawa ng pagsusuri para sa mga yumao na. Ang post kasi ay isa ring salitang Latin na ang ibig sabihin naman ay “after” o “pagkatapos.” Samaktwid, ang postmortem ay nangangahulugang pagkatapos ng kamatayan.

Maaari ding gamitin ang postmortem sa isang diskusyon o pulong matapos ang isang proyekto upang malaman ang kinalabasan ng kanilang kilos. Ang postmortem sa mga pagpupulong ay wala namang literal na patay ngunit inaalam lamang ang epekto nito.