Ano para sayo ang pasasalamat?

Katanungan Sagot

2

Katanungan

ano para sayo ang pasasalamat?

Sagot verified answer sagot

Ang salitang salamat ay ang paraan nating mga Pilipino upang ipakita natin ang ating pasasalamat sa tulong o sa kung anumang kabutihan ang inihandog sa atin n gating kapwa o ng iba pang tao.

Sa wikang Ingles, ito ay thank you. Ngunit para sa akin, hindi sapat ang pagsasambit lamang ng salitang salamat upang masabing ako ay may lubos na pasasalamat para sa lahat ng mga bagay.

Ang pasasalamat sa akin ay ang pagtanaw ko ng utang na loob sa kabutihang ginawa sa akin. Kung maaari ay ibabalik koi tong kabutihan na ito sa tumulong sa akin sa paraan na aking makakaya. Kung hindi man ay ipapasa ko ang kabutihan sa ibang tao.