Ano sa iyong palagay ang mga dahilan ng paglala sa suliranin ng covid19 sa Estados Unidos?

Katanungan

ano sa iyong palagay ang mga dahilan ng paglala sa suliranin ng covid19 sa estados unidos?

Sagot verified answer sagot

Ang pandemyang ito, sa pagkalat ng virus na tinatawag nating SarsCov-2 o mas kilalang Covid-19, ay talaga namang nagdulot ng matinding problema sa buong mundo.

Lalong lalo na sa Estados Unidos kung saan ilang milyon na ang tinamaan nang nakakahawang sakit at ilang milyon na rin ang nawalan ng buhay.

Sa tingin ko, isa sa mga naging problema ng Estados Unidos ay ang hindi maagap na pagsagot sa problema. Marami sa mga mamamayan nila, at maging ang kanilang pamahalaan, ay naging mabagal ang responde sa balita.

Ilan pa sa kanila ay hindi naniniwala na may pandemya hanggang ngayon. Dagdag pa ang patuloy na paglabas ng mga tao na walang suot na proteksyon tulad ng mask.