Ano sa iyong palagay ang pagkakaroon ng maraming wika sa ating bansa?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano sa iyong palagay ang pagkakaroon ng maraming wika sa ating bansa? Kuha lang ako ng inspirasyon para makagawa ako ng sarili kong sagot. Salamatz

Sagot verified answer sagot

Ano sa iyong palagay ang pagkakaroon ng maraming wika sa ating bansaAng pagkakaroon ng maraming wika sa Pilipinas ay dulot ng pagiging arkipelago ng ating bansa. Bilang arkipelago kasi, layo-layo o hiwa-hiwalay ang mga isal sa Pilipinas.

Dahil dito, nagkaroon ng tila bukod-bukod na pamumuhay ang mga mamamayan, at kasama ang wika sa mga naging pagkakaiba ng bawat pangkat-etniko.

Hindi naman isang usapin ang pagkakaroon ng maraming wika, bagkus isa pa itong indikasyon na ang bansang Pilipinas ay mayaman ang kulutra. Nakaugnay ang wika sa kultura, at ang daan-daang wika sa Pilipinas ay indikasyon na bago pa man tayo masakop ng mga dayuhan ay buhay na ang kulutrang Pilipino at ang kahusayan natin pagdating sa paggamit ng mga wika.