Ano sa salitang Filipino ang salitang Griyego na charis?

Katanungan

ano sa salitang filipino ang salitang griyego na charis?

Sagot verified answer sagot

Sa salitang Filipino, ang salitang Griyego na charis ay nangangahulugang biyaya. Ang biyaya ay karaniwang pumapatungkol sa alinmang bagay na natamo ng isang tao bunsod ng kabutihang kanyang ipinakita.

Ito rin ay nagdudulot ng kabutihan sa kanyang pagkatao. Kabilang sa mga biyayang maituturing ang mga magagandang bagay na nagaganap sa buhay ng tao na pinaniniwalaang handog ng Diyos sa kanya bilang tanda ng pagpapala.

Ang mga biyayang maituturing sa buhay ay ang mga bagay na labis na ipinagpapasalamat ng tao sa Maykapal dahil ito ay higit na nakatulong sa kanya. Sa ibang katawagan, ang biyaya ay tinatawag ding grasya o sa ingles ay grace o blessing.