Ano sa tingin mo ang layunin ng may akda sa pagsulat sa Sulat Ni Nanay At Tatay?

Katanungan

Ano sa tingin mo ang layunin ng may akda sa pagsulat sa sulat ni nanay at tatay?

Sagot verified answer sagot

Ang layunin ng may akda sa pagsulat sa sulat ni Nanay at Tatay ay upang ipaalala sa atin ang pagmamahal at sakripisyo ng ating mga magulang simula ng tayo’y isinilang hanggang sa huling hininga nila.

Gayundin upang maiwan sa atin ang mga bagay na nais nilang maramdaman at dapat nating maunawaan sa panahon ng kanilang pagtanda.

Ang akdang Sulat ni Nanay at Tatay ay akda ni Rev. Fr. Ariel F. Robles. Naglalaman ito ng mga bagay na ginawa ng mga magulang para sa mga anak na siya ring minimithi nilang ipaunawa sa kanilang mga anak sapagkat ang mga bagay na ito rin ang maaari nilang maging pabaon sa kanilang paglisan.