Katanungan
anong bansa ang hindi tuwirang nakipagkalakalan sa pilipinas noon?
Sagot
Ang bansa na hindi tuwirang nakipagkalakalan sa Pilipinas noon ay ang Indonesia.
Ang pakikipag-ugnayan at kalakalan sa pagitan ng mga Pilipino at dayuhan ay naganap sa pamamagitan ng mga sumusunod:
kalakalang Orang Dampuan na naganap sa pagitan ng mga taga Sulu at Vietnam; Kalakalang Tsino-Pilipino na naganap sa ilalim ng kinikilalang Dinastiyang T’ang kung saan nagmula ang mga produkto gaya na lamang ng salamin, jade, porselana, at iba pa;
Kalakalang Arabo-pilipino na siya namang pinagmulan ng alpombra, telang lana, muslin, metal na kagamitan, at mamahaling mga bato;
ang Kalakalang India-Pilipinas na siya namang pinagmulan ng pananampalataya, pamahiin, wika, at iba pa; at kalakalang Hapon-Pilipinas na siya namang nakaimpluwensiya sa kaalaman ng mag katutubo sa pagpaparami ng bibe at isda.