Katanungan
anong batas ang naglalayong magkaroon ng tamang pagkolekta at pagsasaayos ng mga basura ayon sa uri nito?
Sagot
Ito ang RA 9003 (Ecological Solid Waste Management Act 2002). Nilalayon nito na paghiwalayin ang mga basura upang maayos at malinis ang mga kapaligiran.
Upang hindi na rin magkasama ang mga nabubulok at hindi nabubulok. Bukod pa rito, makatutulong din ito sa pag recycle ng mga iilang kagamitan.
Mahalaga na gawin ito upang mapanatili ang kalinisan ng kalikasan ng bansa at magamit ang iilang produkto pa upang hindi masayang.
Bukod pa rito, mahalaga rin na may ganitong batas dahil mababawasan ang masangsang na amoy mula sa mga basura ng tao, at hindi maaapektuhan ang kanilang mga kalusugan at seguridad sa bahay.