Katanungan
anong dalawang antas ng wika ang ginagamit sa pagsulat ng elehiya?
Sagot
Ito ay pormal at ‘di pormal. Ang pagsusulat ng pormal sa elehiya ay nakabatay kung ano ang nangyari sa buhay ng yumao at ikwento kung ano ang mga naiwan niyang mabubuting ala-ala.
Ang pagiging pormal ay nagbibigay ng seryosong tono para sa mga nakikinig at nagsasalita. Higit pa rito, mas nangingibabaw ang pagiging malungkot o malungkot na damdamin dahil sa pagkawala ng isang tao. Sa ‘di pormal naman, ito ay medyo malumanay o hindi masyadong seryosong tono.
Maaaring nakabatay ito sa mga nakatatawang naiwang ala-ala ng tao, o kaya mga bagay na nagawa niyang nakakatawa. Minsan, hindi pormal ang ginagamit ng iilan upang hindi masyadong mabigat sa pakiramdam ng mga naiwang mahal sa buhay ng yumao.