Anong damdamin ang nangingibabaw sa iyo pagkatapos basahin ang akda?

Katanungan

anong damdamin ang nangingibabaw sa iyo pagkatapos basahin ang akda?

Sagot verified answer sagot

Ang damdamin na nangingibabaw sa akin pagkatapos basahin ang akdang Munting Pagsinta ay kasiyahan sapagkat naipakita sa akdang ito ang pagpapahalaga sa pagtanaw ng utang na loob sa tulong o pagmamalasakit na ipinakita ng kapwa.

Gayundin, pinahalagahan ng akdang ito ang kalikasan at katuturan ng pagtupad sa pangakong binitawan.

Ang akdang ito ay umiikot sa paghahanap ng asawa ni Yesugei sa Tribong Meritupang subalit sa kanilang paglalakbay ay nakaramdam sila ng pagod kaya’t sinikap na magpahinga.

Dito nila nakita ang isang dampa na tirahan ni Borte. Namasdan ni Yesugei si Borte kaya’t humanga siya rito na naging bunsod upang mag-iwan ng isang pangakong hihintayin siya nito matapos ang limang taon at sila’y magpapakasal. Sa huli, natupad ang pangako ni Yesugei.