Katanungan
anong elemento ng bansa ang gumagawa ng mga adhikain nito at nagbibigay serbisyo sa mamamayan?
Sagot
Ito ay ang pamahalaan. Ang pamahalaan ay isa sa mga dapat nangunguna at nangangasiwa para sa mga program ng mga tao.
Una sa lahat, ang pera ng taumbayan ay napupunta sa pamahalaan kaya marapat lamang na sila ay magbigay ng serbisyo o maglunsad ng serbisyong panlipunan ng mamamayan.
Hindi nila dapat pinagkakait sa ibang tao ang kanilang batayang karapatan, upang makita rin na tunay nilang pinagsisilbihan ang interes ng mamamayan.
Hindi nila dapat inuuna ang interes ng mga dayuhan at kanilang mga sarili upang mapanatili sa pwesto. Bukod pa rito, dapat din nilang protektahan at sundin ang konstitusyon para sa mga karapatan.