Anong gawain ng mga unang Pilipino ang nagpapakita ng pagmamahal sa bayan?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

anong gawain ng mga unang pilipino ang nagpapakita ng pagmamahal sa bayan?

Sagot verified answer sagot

Ang gawain ng mga unang Pilipino ang nagpapakita ng pagmamahal sa bayan ay ang pakikidigma upang makamit ang kasarinlan nito.

Ang mga unang Pilipino na nabuhay sa panahon ng ating kasaysayan ay nakaranas ng iba’t ibang pananakop ng mga dayuhang bansa.

Ang pang-aabuso at pagpilit na mapaniwala sila sa mga kaisipang dala ng mga mananakop ang nagbigay o nagtulak sa kanila upang makilahok sa iba’t ibang labanan upang makamit ang kalayaan sa kamay ng mga kolonyalismong bansa.

Ang pakikibakang ito ay isang gawain ng mga ninunong Pilipino na tiyak na kakikitaan ng kanilang pagmamahal sa Inang Bayan sapagkat sa abot ng kanilang makakaya ay ipinagtanggol nila ito sa mga dayuhan ilang beses mang nakatamo ng pagkabigo.