Anong kabisera ng lungsod ng mga Minoans?

Katanungan Sagot

3

Katanungan

anong kabisera ng lungsod ng mga minoans?

Sagot verified answer sagot

Knossos ang tawag sa naging kabisera ng kabihasnang Minoan. Ang kabihasnang Minoan ay ang itinuturing na unang kabihasnan sa Gresya at sa buong Europa. Ito ay isa sa mga tanyag na kabihasnan sa kontinente dahil ito ay lubos na naging maunlad at matagumpay.

Ang Knossos ay isa lamang sa mga lalawigan at lungsod na itinayo sa Isla ng Crete. Ito ay naging kabisera ng kabihasnan dahil dito pangunahing pumapasok at lumalabas ang mga produkto na ikinakalakal ng mga mamamayanng Minoans.

Hanggang ngayon ay isa pa rin lungsod ang Knossos at marami ng mga arkeolohikong natuklasan sa lugar. Isa na rin itong sikat na lugar panturista.