Anong konsepto ang natutunan mo mula sa mga gawain at babasahin tungkol sa katarungang panlipunan?

Katanungan

anong konsepto ang natutunan mo mula sa mga gawain at babasahin tungkol sa katarungang panlipunan?

Sagot verified answer sagot

Ang konseptong natutunan ko mula sa mga gawain at babasahin tungkol sa katarungang panlipunan ay ito ay isang birtud na nagpapakita ng moral na pagpapahalaga sa bawat mabuting gawi na ipinamamalas ng isang indibidwal.

Ang katarungang panlipunan ay pagbibigay ng nararapat sa mga taong nasa paligid natin. Ito ay maaaring magsimula sa pamilya sapagkat dito unang hinuhubog ang mga kaalaman, kamalayan, at pag-uugali ng isang tao na siyang ipinamamalas naman nito sa pagtahak sa mundo sa labas ng kanyang pamilya.

Ito ay isang mahalagang birtud na nagpapanatili ng mga kaayusan sa ugnayan ng mga indibidwal sa loob ng lipunan. Ang pinakamahalagang aspeto nito ay ang pagsunod sa mga umiiral na batas.