Anong kultura o kaugalian ng mga Muslim ang masasalamin sa kwentong bayan Naging Sultan si Pilandok?

Katanungan

anong kultura o kaugalian ng mga muslim ang masasalamin sa kwentong bayan naging sultan si pilandok?

Sagot verified answer sagot

Mula sa maikling pabula na pinamagatang “Naging Sultan Si Pilandok,” makikita natin ang isang kultura o kaugalian na sumasalamin sa mga Muslim.

Ito ay ang pagkakaroon ng sultan bilang pinuno ng kanilang lugar. Ang isang sultan ay maihahalintulad sa hari o datu.

Sila ang pinakamakapangyarihan na tao sa kanilang pinaroroonan. At gaya ng mga hari at datu, madalas ang taumbayan ang nagluluklok sa kanila sa pwesto.

Islam ang kanilang relihiyon kaya naman gayun nalang ang naging tawag sa kanilang mga pinuno. Ang ibig sabihin kasi ng salitang sultan sa salitang Arabiko na karaniwang salita kung saan nagmula ang Islam ay “kalakasan” o “kapangyarihan.”