Anong lalawigan ang nasa hilaga ng Laguna?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

anong lalawigan ang nasa hilaga ng laguna?

Sagot verified answer sagot

Rizal ang lalawigan na matatagpuan sa hilaga ng Laguna. Ang dalawang lalawigan ay kabilang sa rehiyon ng IV-A o tinaguriang CALABARZON. Kabilang rin sa rehiyong ito ang mga lalawigan ng Cavite, Batangas, at Quezon.

Ang lalawigan ng Rizal ay ilang kilometro lamang ang layo mula sa kabisera ng bansa na Maynila. Tagalog ang pangunahing wika sa mga siyudad na nasasakupan ng lalawigan.

Sa lalawigang ito ay maraming mga pasyalan at pook na maaaring bisitahin. Napapalibutan ito ng mga bundok na maaaring akyatin. Dahil na rin sa mga bundok ay medyo malamig ang klima sa lalawigan kumpara sa ibang parte ng bansa.