Katanungan
anong layunin ang ipinapakita ng awiting dapat tama?
Sagot
Ang layunin na ipinapakita ng awiting “Dapat Tama” ay bago nating gawin ang isang bagay, dapat muna nating alamin o suriin kung ito ba ay tama.
Matatandaan na nagsilbi itong awitin noong Eleksyon 2013 upang paalala at hikayatin ang bawat Pilipinong botante na piliin at iboto ang kandidatong may mabuting hatid at magandang gagawin sa ating bansa.
Ipinaparating ng nasabing kanta na siguraduhin na may sapat tayong kaalaman sa mga kandidatong ating ihahalal dahil dito nakasalalay at nakasaalang-alang ang kinabukasan ng ating bansa.
Nais ipabatid ng kanta na ating iboto ang kandidato na gagawin ang kanyang sinumpaang tungkulin at hindi uunahin ang pansariling interes.