Anong mahalagang kaalaman tungkol sa buhay ang ipinahihiwatig ng epiko?

Katanungan Sagot

Katanungan

anong mahalagang kaalaman tungkol sa buhay ang ipinahihiwatig ng epiko?

Sagot verified answer sagot

Ang mahalagang kaalaman patungkol sa buhay na ipinahihiwatig ng epiko ay ang kagitingan. Ang kagitingan o pagtataglay ng katapangan upang harapin ang bawat unos sa buhay ay aral na pamana sa atin mula sa mga epikong nakilala sa ating bansa.

Tulad ng mga hindi pangkaraniwang pangyayari na kinahaharap ng pangunahing tauhan, maging mga tao sa panahon natin ngayon ay kumakaharap ng mga unos na pakiwari natin ay hindi natin mararanasan.

Halimbawa ay ang daluyong. Gaya ng mga kwento ng kabayanihan, bawat isa sa atin ay nagtataglay ng kagitingan.

Kagitingang lumaban at ilaban ang ating buhay laban sa mga mapaminsalang pangyayari na maaaring gawa mismo ng tao o ito’y hamon mula sa kalikasan.