Anong mahalagang kaisipan ang nais iparating ng dulang Romeo at Juliet?

Katanungan Sagot

2

Katanungan

anong mahalagang kaisipan ang nais iparating ng dulang romeo at juliet?

Sagot verified answer sagot

Ang mahalagang kaisipan na nais ipabatid ng dulang Romeo at Juliet ay may kakayahan ang isang tao na kanyang hahamakin ang lahat, masunod lamang ang tawag ng pag-ibig.

Ang dulang Romeo at Juliet ay isang romantikong trahedya. Isa ito sa mga pinakatanyag na lathalain ni William Shakespeare. Ang bida ay sina Romeo at Juliet mismo.

Sila ay galing sa pamilyang magkaribal sa lahat. Kung anong pinagsimulan nito ay hindi nabanggit sa dula. Ngunit kahit ang kanilang pamilya ay likas na magkaaway, nagawa pa rin ng dalawang bida na mahulog ang loob at mapamahal sa isa’t-isa. Hanggang sa kamatayan ay ang pagmamahal nila isa’t-isa ang kanilang nasa isip.