Anong mensahe tungkol sa pagkakaibigan ang inilahad ng epikong binasa (Epiko ni Gilgamesh)?

Katanungan Sagot

Katanungan

Anong mensahe tungkol sa pagkakaibigan ang inilahad ng epikong binasa (Epiko ni Gilgamesh)?

Sagot verified answer sagot

Ang kahalagahan ng isang kaibigan ay hindi malalaman sa kung paano kayo nagsimula sapagkat mula man kayo sa hindi pagkakaunawaan maaaring sa huli ay maging sandigan ang isa’t isa.

Si Gilgamesh at Enkido mula sa Epiko ni Gilgamesh ay hindi likas na magkaibigan. Sila ay nagsimula sa pagiging magkatunggali na kalaunan ay nauwi sa pagkakaibigan.

Marahil maraming bagay ang hindi natin inaasahan tulad ng pangyayaring ito na sino ba ang mag-aakalang ang dating magkaaway ay naging sandigan ang isa’t isa.

Gayunpaman, ang kahalagahan ng isang kaibigan ay hindi makukuha o mababatid sa kung paano kayo nagsimula. Bagkus, ito ay mababatid sa pagkakapareho niyo ng nais o adhikain.