Katanungan
anong mga bagay ang dapat isaalang alang bago makipagsapalaran sa ibang bansa?
Sagot
Ang mga bagay na dapat isaalang-alang bago makipagsapalaran sa ibang bansa ay kaalaman sa nais mong matamo sa paggawa sa ibang bansa, kaalaman ukol sa bansang nais mong patunguhan, maipaunawa sa pamilya ang plano o ddesisyong pangingibang bansa, at pag-alam sa o pagplano sa perang maaaring kitain sa bansa.
Ang pangingibang bansa o pagiging isang Overseas Filipino Worker (OFW) ay pinapasok ng maraming Pilipino sa paniniwalang ito ang tugon sa kanilang kahirapan.
Pinipili ng mga taong ito na mapalayo at lisanin ang sariling bansa upang makaipon para sa magandnag kinabukasan ng pamilya higit na ang mga anak kung kaya sila ay nagsasakripisyo sa kabila ng hirap at lungkot na kaakibat nito.