Anong pahayagan ang itinatag ni Graciano Lopez Jaena?

Katanungan Sagot

Katanungan

Anong pahayagan ang itinatag ni Graciano Lopez Jaena?

Sagot verified answer sagot

Anong pahayagan ang itinatag ni Graciano Lopez JaenaSi Graciano Lopez Jaena ay isang Pilipinong mamamahayag na nagtatag ng pahayagang La Solidaridad. Ang pahayagang ito ay ang naging opisyal na publikasyon ng mga liberal na Pilipino na palihim na lumalaban sa mga Kastila.

Binubuo ang La Solidaridad ng mga ilustrado na siya ring nagbibigay ng pondo para makapaglathala sila ng mga babasahing naglalabas ng baho at kabuktutan sa pamumuno ng mga Kastila. Gayunman, hindi rin nagtagal ang paglilimbag ng nasabing pahayagan.

Ito ay dahil sa nawalan na ng pondo ang samahan dahil huminto na sa pagbibigay ng pera ang mga kasapi at hindi na kaya pang ipagpatuloy ang operasyon ng La Solidaridad.