Katanungan
Anong pangkat ang kinabibilangan ng mga mangangalakal at mandirigma?
Sagot
Ang mga mangangalakal at mandirigma noong unang panahon ay kabilang sa antas ng lipunan na timawa o malaya.
Sila ay malaya o timawa, o nasa middle class o gitnang bahagi ng lipunan dahil hindi sila mga maharlika o mga taong may katungkulan sa lipunan at hindi rin naman sila alipin dahil walang panginoon ang nagmamay-ari sa kanila.
Malaya silang nagagawa ang nais nila tulad ng bumili at umangkat ng mga kalakal, makisalamuha sa iba, at hindi sila nagbabayad ng buwis ngunit sila ay katuwang ng datu. May karapatan din silang magmay-ari ng sarili nilang lupain, pumili ng alipin, at pagpili ng sarili nilang nais na hanapbuhay o negosyo.