Katanungan
anong pangyayari ang higit na gumising sa damdaming makabansa ng mga pilipino?
Sagot
Ang pangyayari ang higit na gumising sa damdaming makabansa ng mga Pilipino ay ang pagbitay sa tatlong paring martir.
Ayon sa mga tala ng kasaysayan, noong taong 1872 pinaniniwalaang nagising ang makabayang damdamin ng mga Pilipino matapos mabitay ng tatlong martir na pari.
Dahil dito naitatag ang propagandang kilusan na naglalayong magbigay ng pantay na pagtingin sa pagitan ng mga Pilipino at mananakop na mga Kastila, maibalik ang pagkakaroon ng Pilipinong kinatawan sa korte, magkaroon ng mga kura parokong Pilipino, at mapalaya ang bansa sa pananakop ng mga Kastila.
Ang pag-aalsa ng mga Pilipino noong panahong iyon ay naipabatid sa pamamaraan ng pagsulat dahil na rin sa pagkakatatag ng La Solidaridad.