Anong payak na salita ang kasingkahulugan ng tambalang salitang silid tulugan?

Katanungan

anong payak na salita ang kasingkahulugan ng tambalang salitang silid tulugan?

Sagot verified answer sagot

Ang silid-tulugan ay isang tambalang salita gaya ng ating napag-aralan. Ang ibig sabihin nito ay ang lugar kung saan ang isang tao ay natutulog o nagpapahinga sa gabi.

Tambalang salita ang tawag kung ang salita ay binubuo ng pagsasama ng dalawa o higit pang salita.

Kung iisipin natin ang payak na salita para sa silid-tulugan, maaari nating sabihing “kuwarto.”

Ang payak na salita ay binubuo lamang ng iisang salita. Kaya naman tama ang sagot na kuwarto. Pareho lang ang ibig sabihin ng silid-tulugan at ng kuwarto. At huwag malito dahil pareho namang tinatanggap sa wikang Filipino ang dalawang salitang nabanggit.