Anong pinakamabigat na pagsubok ang sinuong ni Psyche para muling makapiling si Cupid?

Katanungan Sagot

Katanungan

Anong pinakamabigat na pagsubok ang sinuong ni Psyche para muling makapiling si Cupid?

Sagot verified answer sagot

Anong pinakamabigat na pagsubok ang sinuong ni Psyche para muling makapiling si CupidMaraming pagsubok na hinarap si Psyche upang muling makapiling si Cupid. Hinahanap ni Psyche si Cupid at nakita niya si Ceres at sinabi nitong makipagkasundo na kay Venus.

Ngunit si Venus ay binigyan si Psyche ng mga pagsubok na tila imposibleng matapos ni Psyche. Ang pinakahuling pagsubok na ibinigay ni Venus para kay Psyche ay ang pagdalhin siya ng isang kahong may lamang ganda ni Prosperine na asawa naman ni Pluto.

Sinabihan siya nito na huwag bubuksan ang kahon ngunit sinuway niya ito. Nawalan ng malay si Psyche dahil sa kahon. Nakita siya ni Cupid at hinalikan at nagising at muling nagkita ang dalawang nagmamahalan.