Anong sakit ng lipunan ang nais nitong ilantad?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

anong sakit ng lipunan ang nais nitong ilantad?

Sagot verified answer sagot

Ang akda ni Rogelio Sikat na pinamagatang MoseS, Moses ay isang lathalain na nagpapakita na hindi patas at walang pagkakapantay-pantay ang mga tao sa mundong ibabaw.

Pinapakita nito ang sakit ng lipunan pagdating sa pagkamit ng hustisya. Hindi lahat ng tao ay nakakamit ang hustisya labang sa krimen o pang-aabuso na ginawa sa kanila. At marami ring mga tao ang kayang-kayang bayaran ang kanilang kapwa kapalit ng kanilang katahimikan.

Sa akda ay inilalarawan kung paano ang mga taong may kapangyarihan, tulad ng mga taong may hinahawakan na posisyon sa pamahalaan at mga taong may salapi, ay kayang-kayang apakan ang karapatan ng mga mamamayan sa may laylayan.