Katanungan
anong tambalang salita ang nangangahulugang pagsikat ng araw?
Sagot
Tambalang Salita o Tambalan lamang ang tawag sa isang salita na binubuo ng pinagsamang mga salita na minsan ay higit pa sa dalawa.
Isang magandang halimbawa ng tambalang salita ay ang bukang liwayway, na nangangahulugang pagsikat ng araw.
Kung paghihiwalayin ang dalawang salita, makikita natin na ang ibig sabihin ng buka ay “bumukas” at liwayway ay “araw” kaya namanang pagbukas ng araw ay masasabing siya ring pagsikat ng araw.
Isa sa mga paborito kong tambalang salita ay tulad ng mga sumusunod: kisapmata, bahay kubo, at silid-aklatan.
Maraming paraan para magsulat ng tambalan, minsan ay buong ipagsama, gumagamit ng gitling, o kaya naman ay magkahiwalay talaga pero iisa ang basa.