Anong teorya ang pangunahing pinagbabatayan ng paliwanag sa pinagmulan ng unang tao sa daigdig?

Katanungan Sagot

3

Katanungan

anong teorya ang pangunahing pinagbabatayan ng paliwanag sa pinagmulan ng unang tao sa daigdig?

Sagot verified answer sagot

Ang teorya ng ebolusyon ang sinasabing teorya na pangunahing pinagbatayan ng paliwanag sa pinagmulan ng tao sa daigdig.

Nakabatay ang teorya ng ebolusyon sa pananaliksik ni Charles Darwin. Ayon sa teorya, nagbabago ang mga organism—mga tao, hayop, halaman, at marami pang iba—sa paglipas ng panahon.

Ang mga pagbabagong ito ay maaaring pisikal o sa kinaugalian at ang mga ito ay nakakatulong sa mga organismo upang sila ay mabuhay at makibagay sa kanilang kapaligiran.

Tinatayang ang sinaunang tao ay nagmula sa kontinente ng Africa mahigit tatlong daang libong taon na ang nakalilipas. Ang mga taong ito ay tinawag na Homo sapiens.