Anong uri ng kontemporaryong isyu ang nais mong bigyang solusyon sa ngayon?

Katanungan Sagot

Katanungan

Anong uri ng kontemporaryong isyu ang nais mong bigyang solusyon sa ngayon?

Sagot verified answer sagot

Anong uri ng kontemporaryong isyu ang nais mong bigyang solusyon sa ngayonNais kong bigyan ng solusyon ang kinahaharap na suliranin ng mundo pagdating sa kalusugan o health care.

Isang malaking isyu ng mundo ang sapat na pagkalinga at gamot sa mga nagkakasakit, lalo na sa mga mahihirap na bansa.

Hindi masyadong napagtutuunan ng pansin ang sektor ng kalusugan sa mahihirap na bansa, gaya ng Pilipinas, kaya naman marami ang namamatay na hindi man lamang nakakikita ng doktor.

Ang mga mahihirap na bansa ay limitado lamang ang mga pagamutang libre. Kung mayroon man sa isang lugar, napakamahal pa kaya naman hindi na rin kinakaya ng iba na pumunta sa mga pagamutan dahil wala rin namang pangtustos.