Anong uri ng pag-uugali mayroon si Tuan Putli? Bakit?

Katanungan Sagot

Katanungan

Anong uri ng pag-uugali mayroon si Tuan Putli? Bakit?

Sagot verified answer sagot

Anong uri ng pag-uugali mayroon si Tuan Putli BakitSi Tuan Putli ay isang babaeng mapagmahal at tunay kung magpakita ng kaniyang pagsuyo sa isang tao. Gayunman, ang kaniyang labis na pagmamahal ay maaari ding magbigay ng kapahamakan lalo na’t siya ay napakadaling maloko.

Kahit na marami ang nanliligaw sa kaniya, ang kaniya pa ring napili ay ang lalaking madalas niyang makita sa kaniyang panaginip.

Nalinlang siya ng kaniyang mga katapid na nais sirain ang kaniyang magandang relasyon at ang kamangha-manghang pagsasama nila ni Manik Buangsi.

Dahil sa paninira na iyon ang naging selosa si Tuan Putli at lagi na silang nag-aaway ni Manik Buangsi hanggang sa mapuno na sila sa isa’t isa.