Anong uri ng paglalagay ng abono ang iyong ginagamit?

Katanungan

anong uri ng paglalagay ng abono ang iyong ginagamit?

Sagot verified answer sagot

Ang abono ay isang pataba ng lupa na ginagamit upang mas maging malago at masustansya ang mga tanim ng halaman. Mayroong iba’t-ibang uri ng abono.

Sa aming probinsya, ang madalas na gamiting abono o pampataba ay ang dumi ng kalabaw. Kadalasan itong makikita sa probinsya dahil sagana ang larangan ng agrikultura sa lugar.

Maraming mga kalabaw at baka ang tumutulong sa palayan kaya naman ang kanilang dumi ay nagsisilbing magandang pataba.

Isa oang kadalasang ginagamit ay ang mga nabubulok na gulay. Kaysa masayang laman at itapon ay maaari itong gawing compost. Nakakatulong ang mga abono sa lupa upang mapabilis rin ang pagtubo.