Anong uri ng panitikan ang Kwintas?

Katanungan

anong uri ng panitikan ang kwintas?

Sagot verified answer sagot

Mula sa tanyag na manunulat sa bansang Pranses, inihahatid ni Guy de Maupassant ang kanyang lathalain na may pamagat na “Ang Kwintas.”

Ito ay isang uri ng panitikan na tinatawag natin bilang maikling kwentong tauhan. Dala nito ay mga aral rin tungkol sa moralidad.

Sa maikling kwentong ito ay makikilala natin ang pangunahing tauhan na si Matilde. Si Matilde ay simpleng babae ngunit may angking kagandahan.

Wala siyang ibang hangad sa buhay kung hindi maikasal sa mayamang lalaki at maibili ang lahat ng kagustuhan. Iyon ay dahil lumaki siya sa hirap. Ngunit sa dulo ng kwento ay mapupulot natin ang aral na dapat hindi tayo maging gahaman.