Anong uri ng tao ang matatagpuan sa ibabaw ng kubyerta?

Katanungan Sagot

Katanungan

Anong uri ng tao ang matatagpuan sa ibabaw ng kubyerta?

Sagot verified answer sagot

Sa nobela ni Rizal na El Filibusterismo, nag-umpisa ang kuwento sa pagpapakilala ng mga tauhan na sakay ng Bapor Tabo.

At naging salamin o paglalarawan ng katayuan ng buhay ng mga mamamayan ang nasabing sasakyang pandagat.

Nahahati kasi sa dalawang bahagi ang Bapor—ang ibabaw at ilalim ng kubyerta. Sa ibabaw ng kubyerta, dito matatagpuan ang mga kilalang personalidad o makakapangyarihan sa lipunan.

Sa madaling sabi, nasa ibabaw ng kubyerta ang mayayaman. Katulad nito ang pamumuhay ng tao sa panahon ng pananakop ng Kastila.

Laging nasa ibabaw ang mga mayayaman at maimpluwensiya habang nasa ilalim o napaiikot naman nila ang mga mahihirap.