Katanungan
anthropogenic hazard (5 Halimbawa)?
Sagot
Ang mga halimbawa ng anthropogenic hazard ay polusyon, maitim na usok mula sa mga pabrika, usok mula sa mga sasakyan, maling pagtatapon ng basura, at pagkalbo ng mga kagubatan.
Ang anthropgenic hazard ay isa sa dalawang uri ng hazard na nararanasan ng mga nabubuhay sa mundo.
Ang uri ng hazard na ito ay mga panganib na nagmumula sa mga maling kilos o gawa ng mga tao na nakasisira sa mga tao, hayop, mga iba pang organism gayundin sa kapaligiran o ecosystem.
Sa kabilang banda, ang isa pang uri ng hazard ay ang natural hazard na dulot o sanhi naman ng kalikasan.