Anu-ano ang apat na elemento ng proseso ng pagkilos?

Katanungan

anu-ano ang apat na elemento ng proseso ng pagkilos?

Sagot verified answer sagot

Ayon sa sikat na pilosoper na si Aristotle, mayroong apat na proseso ng pagkilos.

Aniya, sa pagkilos ay dapat may sinusundang pamamaraan upang malaman ang kahalagan ng bawat kilos na ginagawa ng isang tao at upang masabing ito ay sumusunod sa makataong pagkilos.

Ang apat na elemento ay ang mga sumusunod:

1.) Paglalayon – tinitignan ang epekto ng bawat kilos at ang layunin upang gawin ito

2.) Pag-iisip ng paraan upang maabot ang layunin – kung saan dadalhin tayo ng ating mga kilos sa isang takdang landas

3.) Pagpili ng pinakamalapit na paraan – kung saan mapapadali ang kilos

4.) Pagsasakilos ng paraan – o ang pagkilos ayon sa layunin.