Anyong tubig na nasa timog ng Pilipinas?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang anyong tubig na nasa timog ng Pilipinas?

Sagot verified answer sagot

Anyong tubig na nasa timog ng PilipinasAng anyong tubig na nasa Timog ng Pilipinas ay ang Dagat Celebes o Celebes Sea. Ang Dagat Celebes ay kilala rin sa tawag na Laut Sulawesi sa bansang Indonesia.

Ang Dagat Celebes ay makikita rin sa kanlurang bahagi ng Dagat Pasipiko. Ang isla ng Mindanao, partikular na ang arkipelago o pangkat ng mga pulo sa Sulu ay ang pangunahing mga anyong lupa na naliligiran ng Dagat Celebes.

Makikita naman sa katimugang bahagi ng anyong tubig ang Tangway ng Minahassa ng Sulawesi habang na kanluran naman nito ang Kalimantan. Mayaman sa yamang dagat ang Celebes Sea at sinasabing nasa limang daang coral ang nakatira dito.