Apat na kayarian ng salita?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

apat na kayarian ng salita?

Sagot verified answer sagot

Ang apat na kayarian ng salita ay ang payak, inuulit, maylapi, at tambalan.

Ang salita o isang yunit ng wika na ginagamit upang magkaunawaan ay binubuo ng apat na kayarian.

Ito ay ang mga sumusnod: payak o mga salitang ugat na walang kahit na anong karagdagan sa anyo nito, maylapi o mga salitang-ugat na dinurugtungan ng mga panlapi upang makabuo ng isang salita, inuulit o ang isang bahagi ng salita ay tahasang inuulit, at ang tambalan na kung saan nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama ng dalawang salita upang ito ay makabuo ng panibagong salita. Ang kayarian ng salita ay dapat na matutunan upang magamit ng mahusay ang bawat salita.