Gémino H. Abad

Talambuhay

Sabi nila, ang husay at pagmamahal sa isang bagay ay namamana. Naisasalin ito ng mga kaanak at magulang sa pamamagitan ng kanilang pagkakabuo bilang tao at nananalaytay na sa kanilang dugo. Ganito marahil ang nangyari sa isa sa mga dinadakilang manunulat sa bansa na si Germino H. Abad. Mula sa kaniyang amang isang propesor, naging isang tagapagsanay din si Gemino sa pagsulat at kinilala pa sa iba’t ibang panig ng mundo.

Nilakbay na Pangarap

Lumuwas mula Cebu papuntang Maynila si Gemino nang makatanggap ng mga trabaho ang kaniyang ama na si Antonio Abad upang magturo sa Far Eastern University (FEU) at University of the Philippines (UP). Dahil dito, sa UP na rin kinuha ni Gemino ang kaniyang BA English Degree. Lumipad naman siya sa University of Chicago upang doon kunin ang kaniyang PhD sa English Literature.

Nang makabalik sa Pilipinas, itinuon niya rin ang kaniyang panahon sa pagtuturo katulad ng kaniyang ama. Sa loob ng mahabang panahon, nagturo siya ng English, comparative literature, at creative writing sa UP Diliman. Naging kalihim din siya ng buong UP, at humawak pa ng ibang posisyon tulad ng pagiging kalihim ng Board of Regents, Vice President for Academic Affairs, at Direktor ng UP Institute of Creative Writing.

Kinilalang Husay

Maliban sa pagiging isang manunula at propesor, kilala ring manunuri at historyador si Gemino. Iwinasto at pinag-aralan niya ang ilang mahahalagang antolohiya ng mga tula sa Pilipinas gaya ng Man of Earth at A Habit of Shores: Filipino Poetry and Verse from English ‘60s to the ‘90s. Naglimbag rin siya ng mga aklat at pagsusuri sa mga sanaysay at tula katulad ng A Formal Approach to Lyric Poetry, Index to Filipino Poetry in English, at The Space Between.

Gumawa rin ng kasaysayan ang historyador na si Gemino nang makamit niya ang kapita-pitagang Premio Feronia mula sa Rome, Italy bilang pinakamahusay na may-akda noong 2009. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakamit ito ng isang Pilipino.

Popular Posts