Ang buong buhay ni Merlie Alunan ay umiral sa iba’t ibang lugar, kasali na ang Visayas at Mindanao. Halos buong buhay niya rin pinag-aralan ang iba’t ibang kultura, pananalita, at linguahe ng mga Bisaya.
Siya ay nakapagtapos ng kolehiyo sa Unibersidad ng Visayas sa kursong BS in Education Major in English. Nakuha niya naman ang kanyang master’s degree sa Unibersidad ng Silliman. Nagturo din sa ilang paaralan si Alunan sa Visayas.
Sa Unibersidad ng Silliman, naging parte siya sa Fellowship deal. Naging bahagi din siya ng faculty sa UPV Tacloban College na kung saan nagtuturo siya ng creative writing sa pamamagitan ng mga workshops.