Emil M. Flores

Talambuhay

Higit sa pagiging isang manunulat at guro, nais ni Emil M. Flores na bigyang halaga ang kulturang Pilipino at maipalaganap ito sa mga akda ng Pilipinong mangangatha. Bilang isang propesor sa Pamantasan ng Pilipinas, kung saan siya ay nagtuturo ng Malikhaing Pagsusulat, binibigyang diin nya ang pagiging mapagmasid sa paligid at pag-aaral ng kilos, salita, at pamumuhay ng mga tao. Ito ang magbibigay buhay sa panulat upang ipakita kung paano nagiging bukod-tangi ang Pilipinas at mga Pilipino. Si G. Flores ay kilala sa kanyang talang-gunita na “Virginia Tech Memories.” Marami sa kanyang sinulat ay ukol sa kathang agham at pantasya.

Popular Posts