Luis P. Gatmaitan

Talambuhay

Isang tanyag na manunulat si Luis P. Gatmaitan. Ginamit niya ang kanyang kaalaman bilang isang doktor upang makapaglimbang ng mga makabuluhang mga librong pambata. Ang kanyang mga likha ay madalas na tumatalakay sa mga isyung panlipunang pagtrato sa mga may kapansanan, paguulyanin, pag-ampon at iba pa. Hinimok niya ang kaisipan ng mga tao na alisin ang pangungutya, takot at mga maling ideya tungkol sa mga ito. Ninais niya maudyok mabago ang lipunan ng Pilipinas o mabigyan man lang ng boses ang mga isyung nabanggit.

Ang kanyang librong Sandosenang Sapatos (A Dozen Pairs of Shoes) ay umani ng parangal mula sa prestihiyosong Don Carlos Palanca Memorial Awards at ng Catholic Mass Media Awards. Naitanghal din ito bilang isang dulaang musika sa Cultural Center of the Philippines (CCP). Ang kanyang abilidad na iparating ang mensaheng ito lalu na sa mga kabataang mambabasa ay naging daan upang makilala siya sa ibang bansa sa tulong na din ng mga parangal at pagkilala na natamo mula sa UNICEF at UNESCO. Kabilang sa kanyang mga sikat na obra ay ang mga serye na Kwento ni Tito Dok (Stories of Uncle Doc), Ang Ambisyosong Istetoskop (The Ambitious Stethoscope), Si Duglit, Ang Dugong Makulit (The Pesky Red Blood Cell), May Mga Lihim Kami ni Ingkong (Secrets with Lolo) at marami pang iba.

Popular Posts