Carl Javier

Talambuhay

Komiks ang isa sa mga nagpasaya ng kabataan ng maraming Pilipino. Upang mapanatili ang sining ng komiks, ibinubuhos ng manunulat at propesor na si Carljoe Javier ang kaniyang panahon upang makalikha ng mga komiks para sa makabagong henerasyon.

Isinilang ang manunulat na si Javier noong Setyembre 7, 1981. Nagtapos siya ng BA in English Studies at MA sa Creative Writing sa Unibersidad ng Pilipinas – Diliman (UP). Lumabas ang ilan sa kaniyang mga isinulat sa ilang magasin at babashin tulad ng Free Press, Fudge, Daily Tribune, at Manila Bulletin.

Dahil sa angking husay sa pagsulat, pinarangalan ang ilang akda niya ng Amelia Lapeña-Bonifacio Literary Awards at Supernatural Story Writing contest ng Institute of Creative Writing. Aktibo ring kasapi si Javier ng UP Samahan sa Agham Pampulitika.

Nagtrabaho rin si Javier bilang Managing Editor ng Anino Comics kung saan isa siya sa mga nagpasinaya noong 2014. Nagkamit ng parangal ang kaniyang gawa sa National Book Awards at Komikon Awards. Naging co-editor din siya ng Abangan: The Best Filipino Comics.

Sa kasalukuyan, chief operating officer (COO) si Javier ng Puma Public Productions na naglalayong makalikha ng malikhaing podcast para sa mga Pilipino. Nagtuturo din siya ng Creative Writing sa Fine Arts Department ng Ateneo de Manila University (ADMU).

Popular Posts