Elsa Martinez Coscolluela

Talambuhay

Kung ikaw ay mahilig magbasa ng mga tula o di kaya naman ay maaaring natalakay na ang kanyang mga akda sa iyong klase ukol sa Panitikan, sigurado akong ikaw ay pamilyar na kay Elsa Martinez Coscolluela. Tubong Bacolod City, Negros Occidental, si Elsa ay kilalang-kilala na sa larangan ng literatura sa ating bansa. Mula tula, mga maikling kwento, at hanggang sa teatro – siya ay isa sa mga Pilipinang makatang tinitingala. Nagtapos siya ng kolehiyo sa Siliman University sa kursong Bachelor of Arts in Creative Writing na kanya ‘ring ipinagpatuloy tungo sa kanyang Master’s degree. Siya rin ay nagtapos ng kanyang doctorate degree sa De La Salle University.

Karamihan sa kanyang mga akda, lalo na ang kanyang mga tulang isinulat, ay maaaring mabasa sa librong “Katipunera and Other Poems” na inilabas noong taong 1998. Pero ang pinakatumatak sa sambayang Pilipino ay ang kanyang akdang dula na isang drama na lumabas ampung taon bago ang libro ng kanyang mga tula, “Sa Tahanan Ng Aking Ama,” na umako ng mahigit dalawampu na gantimpala mula sa Palanca – isang prestihiyosong parangal na iginagawad sa mga literatura sa Pilipinas. Ang nasabing dula ay itinanghal rin sa iba’t-ibang panig ng mundo katulad ng New York at Japan.

Popular Posts